Saturday, June 19, 2010

STEPS ba o QCB?

simple lang ang sagot ko sa tanong na nasa taas. Bahala na ang manonood kung pano nila huhusgahan ang dalawang magagaling na grupo na parehas na ginamit ang tugtog na Dalagang Filipina para sa kanilang mga presentasyon. sa totoo lang parehas lang naman silang ballet ang ginamit na istilo ng pagsasayaw pero para sa akin, mag nangibabaw ang pagiging creative ng STEPS kasi... ewan ko. pero masyado kasing "ballet"ung ginawa ng QCB. masyado siyang boring panoorin para sa akin (yung QCB).. kahit na pinanood ko ulit siya ng may sounds. wala pa ding dating sakin. pero nag STEPS.. natuwa ako sa sayaw nila dahil may variation ung ballet nila. hindi lang ito naging basta ballet. nagkaroon pa sila ng "jazz" na sayaw (yung mga babaeng naka-hat). tapos ang ganda nila tingnan nung nagsama-sama yung tatlong grupo sa bandang huli. PANALO! ang sarap tingnan sa mata ung kulay at ung iba-ibang paraan ng pagsasayaw nila.. Ang galing talaga.

-go STEPS!


                                                                                                                      -Mark Jayson D. Felonia :)

No comments:

Post a Comment