Tuesday, June 15, 2010

Beautiful Life...

Hindi ko pa alam kung ano nga ba ang sinasabi nilang "beautiful life." Siguro ay hindi ko pa nararanasan ang ganitong buhay kaya ko nasasabi ito . Pero habang dumadaan ang mga araw, habang dumadami ang nakikilala ko, unti-onti kong nalalaman kung ano nga ba ang ibig sabihin ng ganitong mga kataga. ("beautiful life")

Noon ay sobrang tahimik lang ako. Bilang ang mga nakakasalamuha kong mga tao, hindi kasi ako ganoong lumalabas ng bahay. in short isang akong taong-bahay. May sarili akong mundo, isang mundong walang nakakapasok. Hanggang isang araw...

Sa pagpasok ko sa isang organisasyon na tinatawag na JAM, isang organisasyon sa simbahan,unti-onting nabuo sa akin ang konsepto kung ano nga ba ang isang masayang buhay o isang magandang buhay. Marami akong natutunan. Mga bagay na hindi ko nalaman noong hindi pa ako lumalabas sa mundo ko.

Natuto akong maging masaya. Nakuntento ako sa kung anong meron ako.

Para sa akin, Ito ang masasabi kong "beautiful life," kuntento at masaya .

--- Nario, Erika M.

No comments:

Post a Comment