Tuesday, June 29, 2010

CreaTivity.

Ngayong araw, hindi ako ganun kaaga pumasok sa CTRA pero maaga pa rin. sabi kasi ni hanna, agahan daw ng grupo namin ang pagapasok para makapagpractice kami sa groups presentation..
Ang presentation namin ay tungkol sa individual bowling na ginawa namin. nagisip naman kami kahit papaano ng ibang paraan ng pagpresent ng bowling pero wala talagang mapiga sa mga utak namin habang nagiisip kami.

kaya ang naging presentation namin ay naging tungkol sa mga knock-knock jokes, since nahilig naman nag mga kagrupo ko sa mga knock-knock jokes at ako lang ang hindi nakaka-appreciate nun. ayun ung naging presentation namin.. sa kasamaang palad.. na-hinuha ko na kung ano ang mangyayari sa presentation namin kung ganun ung gagamitin namin. pero dahil wala talaga kaming mapiga sa creative juices namin na iba. knock knock na lang na may onting skit ung aming ginawa..

ang presentation ay naging matagumpay naman.. naaliw naman ang mga kaklase namin sa magnanakaw skit. pero nabaliktad ang sitwasyon nung ibinato na namin yung dalawang pinagisipan na knock-knock jokes namin. ang hirap naman kasing magisip ng kanta na pedeng singitan ng bowling ehh...

sa kabuuan naging matagumpay naman ang aming presentation. :)


-Mark Jayson D. Felonia

No comments:

Post a Comment