Monday, June 14, 2010

BUHAY NA BUHAY!




Ang litrato na yan ay kinunan noong Field Demo namin sa highschool. (mam kitty, alam mo na yan :D)

Habang tinitingnan ang larawan na yan, siguro ay mapapangiti ka na lang at magsisimulang mag-reminisce ng sarili mong mga alaala.

Sa hayskul, ako ay kilala bilang isa sa mga tagapag-bigay ng saya sa buong klase at buong batch. Kahit sino ang aking kasama, ayus lang! basta ang mahalaga napapasaya ko sila. Lalo na kapag kami ni Carlo Rosal ang nagsama sa banatan ng mga hirit. lahat sumasakit ang tiyan dahil sa kakatawa. Araw araw ay nagiging maganda at masaya ang buhay ng lahat.

Sa pagtungtong ko sa kolehiyo, ang lahat ay nagiba. ang mundo ako ay lumaki at madami akong nakilala na mga bagong mukha. naging masaya at maganda ang buhay ko sa Los Banos. dito ako nakakilala ng mga taong muling nagpakilala sakin sa Diyos, dito ko din nakita kung gaano kaganda ang gubat ng bundok makiling, dito ko nalanghap ang masarap na hangin ng probinsya. naging masaya, maganda at makabuluhan ang una kong taon sa Los Banos. ngayong nasa diliman ako, ako ay umaasa ng isang maganda at makabuluhang buhay kolehiyo dito sa diliman kasama ng aking kaklase, bagong at lumang kaibigan, pamilya.

Naging maganda ang aking buhay dahil sa mga taong nakapalibot sa akin at para sa tanong na "maganda ba ang aking buhay?" ito ang sagot ko: HINDI MAGANDA ANG BUHAY KO! MAGANDANG MAGANDA! \m/ rok-en-rol!

-Mark Jayson D. Felonia

No comments:

Post a Comment