Thursday, June 17, 2010

ano ba ang art?

Ano nga ba ang art? kapag tinatanong sa akin kung ano ang ibig sabihin nito, ang lagi ko lamang sagot ay dalawa, "art is self expression" at "art is everywhere." napakaraniwan hindi ba? Pero yun talaga ang unang pumapasok sa aking isipan kapag natatanung sa akin ang ganoong katanungan. Aking ngang akala ay hanggang dun na lang ang art, hanggang sa dumating ang araw na talakayin namin sa ctra 13 kung ano ba talaga ang ART.

Habang kami ay nagtatalakay, ako ay lubusang namangha at natuwa sapagkat mas madami pa palang ibubuga si "ART" kaysa sa aking inaakala. Ang art pala ay hango sa dalawang salita. Una ang ars na nanggaling sa salitang latin na ang ibig sabihin ay skill. Hango din ito sa wikang greek na techne na nangangahulugan namang technology. Akin ding nalaman na hindi matatawag na art ang isang bagay na gawa ng Diyos. Ang art pala ay gawa ng tao. Ito ay ARTipisiyal.

Pagkatapos ang talakayan ay nagkaroon kami ng isang pangkatang gawain kung saan naranasan namin mismo kung ano ang ART. Sa pamamagitan lamang ng pagkuha ng mga letrato na nagsisimbolo sa iba't ibang klaseng art, nagkaroon ang grupo namin ng isang kamangha-manghang karanasan na di malilimutan. Tulad nga ng nabanggit ni Bb. kitty, hindi mauulit ang karanasan ng isang tao sa art. Sa amin naman, ako ay masaya sapagkat ng maganda at positibo ang aming naging karanasan.

-ma. HANNA joy c. MICU

No comments:

Post a Comment