Hindi ko na muna ikukwento dito ang mga pagkasunod sunod na naganap sa ctra 13. Kung hindi nais kong ibahagi ang aking napagnilay nilay habang ako ay nakikinig sa aming diskusyon.
Ang pinakatumatak sa aking isipan pagkatapos ng ctra 13 ay ang sinabi ni ms. Kitty na kapag ang isang tao ay natututo, ang kanyang pagkamalikhain ay nababawasan. Sa aking palagay ay tama nga naman ay nabanggit na ito ni ms. Kitty. Pero may katanungan na bumagabag sa akin: Paano kapag gusto ko pang mas maging malikhain, kailangan ba na di na ako dapat matuto? Inisip ko parang ang hirap naman ata ng ganun. Ngunit habang naglalaon ang aming diskusyon, nalaman ko din ang kasagutan. Ang kailangan ko pa lang gawin ay matulad sa isang "child like adult" kung saan ako ay nakatutulong sa lipunan kasabay ng pagiging bukas sa lahat ng bagay na parang isang bata. At aking inaasahan habang ako ay tumatanda at nagkakaroon ng iba't ibang karanasan, sana ay maging isang "child like adult" ako pag dating ng panahon.
ma. HANNA joy. c. MICU
No comments:
Post a Comment