Tuesday, June 22, 2010

Ano Daw???

Sa totoo lang hindi ko kinahiligan ang manood ng ganitong klaseng sayaw, ang ballet.
Hindi ko kasi maitugma ang tugtog na ginagamit nila sa kanilang mga galaw. Hindi katulad sa ibang klaseng sayaw, mas naiintindihan ko na may koneksyon iyong tugtog at yung galaw nung sumasayaw. Kaya habang pinapanood ko ang dalawang magkaibang bersyon ng "Dalagang Filipina" , hindi ganoong naisapuso, hindi ko ganoong naintindihan. Pero namangha ako sa kung paano nila ginawa ang sayaw na iyon. PAreho ang ginamit na kanta pero iba ang pagbibigay nila ng interpretasyon dito.

Ang ginawa ng QCB ay kakaiba sa ginawa ng steps. Mas binigyang kulay ng steps ang kanilang interpretasyon dahil gumamit sila ng "parang magkaibang panahon." Iyong isa ay dalaga noon at iyong isa naman ay dalaga sa panahon ngayon kung saan masyado ng liberal. Dahil doon ay mas nabigyan nila ang kakaibang "flavor" kumpara sa ginawa ng QCB. Hindi naman masasabing hindi maganda ang ipinakit nito kaya lang ay mas pinagtuunan nila iyong paraan ng pagsasayaw ng ballet. Naging hindi kasiya-siya tuloy dahil naging ballet lang talaga siya.

Pero kung susumahin ay hinid matatawaran ang kagalingan ng pagsayaw ng mga ito. Para sa akin ay mahirap sumayaw ng naka tip toe at naka high heels. Astig di ba.

Basta itong sayaw na ito ang hinding hindi ko matututunan dahil una, hindi ko kaya iyong pagsayaw ng naka tip toe, pangalawa ay masyado akong mabigat. Hindi ko kayang buhatin ang sarili ko.

HEHEHEHEHe

--Nario, Erika M.

No comments:

Post a Comment