
Dumating ako ng maaga kanina sa klase. pagdating ko sa room, tatlo lamang ang mga tao. nakita ko si hanna, arnielyn at ung lalaki na naka-glasses. hanggang sa dumating na ang lahat ng tao sa kwarto at magsimula na ang klase..
Nagumpisa ang discussion sa pamamagitan ng isang maliit na exam. tukuyin daw namin kung ano ang art at hindi sa mga ipapakita sa mga slides. bigla kong naisip kung paano iche-check ni mam yung mga papel namin, hindi dahil sa madami kami kundi dahil iba-iba ang perception ng bawat tao sa art. Ang art ng isa ay pwedeng hindi art para sa isa.. kaya medyo naguluhan ako dito. pero naging maganda naman ang takbo ng mga pangyayari kanina. hanggang sa biglang sumakit ang tiyan ko kanina kaya naging matamlay ang pakikitungo ko sa klase. Kahit interesado ako sa topic ngayong araw, hindi ko maiwasang yumuko at mamilipit dahil sa sakit ng aking tiyan.
nagpatuloy ang discussion hanggang sa dumating ito sa pag-piktyur ng mga bagay na inincorporate sa mga characteristics ng art :) pagkasimula ng activity, sinabi ko agad kay nario na uuwi muna ako sa bahay ng lola ko para maglabas ng "sama ng loob" sabi ko kayo na muna ang bahala. bibilisan ko na lang :D hahahah.
napagisip-isip ko na hindi na ako aabot sa bahay ng lola ko kapag nag-jeep ako dahil unti-unti na akong natatalo sa laban na ito. kaya pumunta ako sa may educ at hinanap ang cr doon. hindi ko nakita ang cr kaya dumiretso agad ako sa vinzon's hall. kahit na kilala ang vinzons sa isa sa mga building na may pinakamaduming cr. dumiretso agad ako doon para gawin ang aking ritwal. iba nga naman talaga pag sineswerte ohh, dumating ako sa vinzons na malinis ang cr nila! parang hindi pa napapasukan ng kahit sinong nasa building na ito.. matapos ang ilang minuto ay natapos na rin ang paglalabas ko ng sama ng loob.
tinext ko agad ang aking mga kasama kung nasan na sila upang makatulong na ako sa ginagawa nila.. ayun. natapos naman namin ng walang problem ang pagkuha ng mga litrato. hindi naman malayo ang naabot namin... ang pinakamalayo na naabot namin ay sa may business administration building, para lamang piktyuran ang van ng gandang ricky reyes crew. sa kabuuan ay naging maganda at succesful ang aming picture taking. :)
-Mark Jayson D. Felonia
No comments:
Post a Comment