Friday, July 16, 2010

Saranggola ni Hehe


Saranggola ni Hehe (tune of Saranggola ni Pepe)

Mababa ang lipad ng saranggola ni Hehe
Matayog ang pangarap ni Hanna Bujoy 
Umihip ang hangin, nasira ang tali 
Sigaw ng kahapon, nilamon na ng alon 
Malabo ng lumipad ang saranggola ni Hehe  
Mainit na ang araw, sa payong sumilong
Hay...Hay...Hay...Hay... 

Mababa ang lipad ng saranggola ni Hehe
Matayog ang pangarap ni Hanna Bujoy
Inayos ang naputol, scotch tape ang pinangbuhol
Hinagis na muli, wala! Bumagsak muli
Dumaan ang hangin, saranggola’y bagsak pa din
Di pa din sumuko malay mo lilipad din 
Hay...Hay...Hay...Hay... 

Mababa ang lipad ng saranggola ni Hehe 
Matayog ang pangarap ni Hanna Bujoy
Pinilit paliparin ni Hanna at ni Arnielyn
Lumuha ang langit at ang mundo ay nanliit 
Kumakaway si Erica, “Mag evaluate na lang tayo” 
Sumusuway sa utos, pero sumuko din 
hay...hay...hay...hay...



-ma. HANNA joy MICU  a.ka.  BUJOY



No comments:

Post a Comment