Thursday, July 8, 2010

Lines... Lines... at LINES.

Ang naging topic namin ngayong umaga sa Ctra 13 ay tungkol sa LINYA. Tama. LINYA.
LINYA ang aming pinagaralan kanina. meron din palang ibig sabihin ang mga linya na aming nililikha. (kahit na alam ko na meron naman talagang ibig sabihin ang iba't ibang linya na aming ginagawa.) Hindi ko inakala na meron pala talagang ibig sabihin ang isang guhit ng linya. tinitingnan ko kasi ang linya ayon sa nabubuo nitong pigura. kapag nakita ko na ang binuo nito na pigura, tsaka ko naman titingnan ang mga linya na ginawa niya. tinitingnan ko kung gaano ka-kapal o gaano ka-diin ang ginawang pag-guhit dito. para bang nilalagay ko ang posisyon ko sa artist. iniisip ko na ako yung gumawa ng drawing  na yon. para maintindihan ko kung bakit yun yung ginawa niyang paraan ng pag-guhit ng linya..

Habang nagkaklase sinabi ni mam ang iba't ibang uri at klase ng mga linya at ang ibig sabihin nito. pinahanap din niya samin kung anong mga linya ang nasa paligid namin. tapos ayun sumagot yung klase. nakakatuwa lang kasi ang sarap panuorin ng mga kaklase ko. ang sarap nilang panuorin. ewan ko kung bakit ko to ginagawa pero yun yung ginagawa ko sa isang klase. Habang nakikinig. pinapanood ko yung buong klase. pinapanood ko yung mga reaksyon nila sa mga sinasabi ni mam. Pinapanood ko din kung gaano katamad sila sumagot. Pinapansin ko din yung mga pambobola na hinhalo nila sa tunay nilang sagot para masabi na marami silang nasabi... HAHAHAHAHA..

Ang sarap manuod ng klase..

Ayun. nagpatuloy ang klase sa pagdiscuss ng tungkol sa linya. tinalakay din namin ang tungkol sa mga emosyon na kayang ipakita ng mga linya.. namangha ako kasi ang damidaming emosyon pero kapag pinakita mo tong linya na to. minsan specific lang na emotion yung maiisip mo sa linya. pero kadalasan maraming emosyon ang pinoprotray. malabo pa rin kasi hindi kayang ipakita ng linya kung ano talaga ang iyong tunay na nararamdaman sa panahon na iyon..
tapos nagkaroon ng exercise.. na pinagawa si mam samin. tapos yun. natapos na ang klase.. :))

Conclusion ko sa klase namin kanina sa CTRA 13: malapit nang maging art class ang Ctra. :) yehey!

                                                                                                -Mark Jayson D. Felonia

1 comment: