Tuesday, July 6, 2010

Reminiscing...

Ang topic kaninang sa CTRA 13 ay.. creativity! :)
masaya ako na ito yung topic kasi sa wakas magiging art class na siya.
narealize ko lang kanina na.. may parte ko na gustong maging isang artist. ewan ko kung pano ko na realize pero narealize ko lang,,

habang dinidiscuss kanina ni mam kitty ung Design.. may mga tanong siya na ibinabato sa amin. nakakatawa.
nakakatawa lang kasi yung mga kaklase ko sumasagot... ako hindi. pero nag m-murmur ako ng mga sarili kong sagot.
nakakatawa lang kasi nagkataon naman na tama lahat ng mga sinasabi ko kanina. sayang lang kasi ung puntos peor ayus lang.. nag-enjoy naman akong manood ng klase. at hilig ko talaga to. :)) hahahahahhaha

pagkatapos i-discuss samin ni mam kitty ung Designs. pinalabas samin ni mama kitty ung aming mga Croquis  Book. pinagawa kami ng  simpleng activity.
pina-alala samin ni mam kitty ung aming mga kabataan, magisip daw kami ng mga gawain namin nung bata pa kami. alalahanin daw namin kung anu ung mga ginagawa namin nung bata pa kami. isipin daw namin ng mabuti kung san kami naglalaro, kung san namin nilalagay ung aming mga laruan, kung sino daw yung aming mga kalaro. at kung anu anu pa. tapos ilagay daw namin yun sa Croquis Book..

nung una hindi ko magets kung ano ung dapat kong gawin tapos pinapanood ko lang yung mga kagrupo ko na gumagawa ng kanikanilang mga drowing nung kabataan nila. may iba na nagdrowing ng mga pinapaglaruan nila. yung iba nagdrowing ng kung ano...  basta nagdrowing sila.
tapos lumingon din ako sa ibang mga table. tapos may nakita akong nag labas ng Staedtler 8b pencil. naisip ko tuloy bigla ung lapis na ginagamit ko.. tapos biglang may tumakbo sa isip ko.

lumapit si mam kitty. nagtanong ako kung paano dapat yung gagawin dito sa pinapagawa niya, sabi niya magisip daw kami ng mga ginagawa namin nung bata pa kami tapos naisip ko bigla yung kwarto ko kung saan naglalaro ako o kaya kasama ko yung mga kapatid ko.
drinowing ko yung kwarto at yung mga laruan ko nung bata. nakalimutan ko na yung iba pero ang natatandaan ko lang Lego, Play-Doh, Power Rangers action figure, bola, mga papel, crayons, lapis at bolpen. yun yung mga bagay na drinowing ko kasama ng kama at bintana. tapos i-explain daw namin kung pano namin ginamit ung space.. nalabuan ako pero sabi ng kaklase ko i-explain lang daw namin yung drinowing namin.. kaya yun yung ginawa ko. masaya din pala yung activity kanina.. at least naalala ko kahit papaano yung mga ginagawa ko nung bata pa ako.

             hindi ko na napacheck kay mam kitty yung ginawa ko kasi ang daming nagpapacheck sa kanya ng papel.. mas magaling pala ako magdrowing kaysa sa kanya... hehehehehe


 -Mark Jayson D. Felonia

No comments:

Post a Comment