Sa mahigit na isa, dalawa, tatlo, apat o limang linggo
naranasan namin maging guro
sa kapwa namin mag-aaral upang magturo
ng isang bagay
na makapagpapaganda sa buhay!
Damit na luma, sira o ayaw mo na
wag munang itapon dahil pwede pa
gamitin ang utak na malikhain
gunting guntingin, pagdikit-dikitin
at magmumukang bago ang damit
na inakala mo ng pangit
Sinong mag-aakala
na ang punit punit na papel pala ay nakapagpapaganda
kung maayos na pinagsama-sama
simpleng karton, baso kandila at iba pa
tiyak panibagong itsura
Tali din ay iyong paikot-ikutin
kakaibang disenyo ang mararating
simpleng mga linya
bumubuo ng komplikadong itsura
Oh kay sarap pumasok
sa mga araw na tiyak kami ay lulunok ng lulunok
ng pagkaing bago sa panlasa
bago sa paningin ng mata
May nabiling regalo ka na ba sa pasko?
kung meron, aba ikaw na ang magbalot mismo
tignan mo baka umabot pa ng sunod na pasko
hindi pa din nabubuksan ang iniregalo
dahil inakalang dekorasyon sa ilalim ng paskong puno
Kung wala ka namang pambili ng dekorasyon at regalo
sa darating na pasko
wag ng ikunot ang noo at baka sumakit ang ulo
Makulay na papel lang ang katapat ng problema mo
makagagawa ka ng ng parol at simpleng christmas card para sa minamahal mo
Sa hinaharap kung ikaw ay magiging guro
o kahit magulang sa iyong mga anak
gawing masaya ang pagtuturo
sa pamamagitan ng mga puppet at awiting nakakasindak
Tiyak ang mga bata ay mas lilisto!
Salamat mga kapwa mag-aaral ko
Na sa isang araw ay nagsilbing guro
Buhay ko ay mas napaganda niyo
Hindi ko malilimutan ang inyong mga itinuro
No comments:
Post a Comment